About this event
Read more
See less
Noong nakaraang taon, namasyal kami sa Sibuyan Island, Romblon para sa aming year end trip. Di kami pinalad sa magandang panahon at may bagyong nanalasa sa Romblon noon kaya sandali lang kaming nakapasyal sa magagandang tanawin ng Sibuyan Island kabilang na ang Cresta de Gallo. Ngayong taon, kami'y babalik at papanhik sa isa sa pinakamahirap na bundok ng Pilipinas, ang Mt. Guiting-Guiting o kilala bilang G2 sa mountaineering community.
Kailangan ng maraming pageensayo dito para walang mapahamak sa climb. Unli assault, unli bangin, at unli kiss-the-wall challenges ang haharapin ng mga lalahok dito kaya hindi ko ito mairerecomenda sa mga beginner. Pero sa likod ng iyan, napakagandang summit at nakalalaglag-panty/brief yung magiging profile photo mo sa ibabaw ng ridges hahaha!
DIY lang tayo at kanya-kanyang dala ng gamit. Saka ko na ipopost yung itinerary pag kilala ko na yung mga sasama. Kung malalakas naman, puede tayo mag traverse. Kung hindi, e di wag na tayong umakyat hahahahaha!
Sidetrip:
Cataja Falls
Cresta de Gallo
- Itinerary
- Inclusions
- Exclusions
See event description
See event description