About this event
Read more
See less
Ang Alamat ng Limatik
Noong unang panahon, may mahiwagang bulate na matatagpuan sa kalagitnaan ng kagubatan. Mahiwaga ang bulate na ito at nagtataglay ng kapangyarihang matupad ang mga pangarap ng kumain nito. Pero dahil bulate lang siya at nagtataglay ng matinding kapangyarihan, ni minsan ay hindi siya tinangkang kainin ng mga hayop na nakatira sa gubat sa takot na gantihan sila nitong mahiwagang bulate.
Isang araw, isang manlalakbay ang napadayo sa nasabing gubat. Ang pangalan nya ay Mark at mahilig siyang kumain ng exotic food. Pero sa pagkakataong ito, gustong-gusto nya nang kumain ng matinong pagkain dahil sa ilang araw na siyang naliligaw sa bundok Makiling na akala nya noong una e bahay aliwan. Makiling Resto Bar & Entertainment Center, enticing di ba? So dumating ang pagkakataon na naubos ang kanyang baong spicy squid candy kaya naisipan nyang magpahinga sa tabi ng isang malaking puno sa gitna ng gubat na siya rin palang bahay ng mahiwagang bulate.
Nakalipas ang ilang oras, lumabas ang bulate sa kanyang lungga upang malaman kung sino itong nakatambay sa harap ng kanyang bahay. Ito naman si Mark e pawis na pawis at hinang hina sa pagod sa paglalakad. Hindi nya namalayang nag-hahallucinate na pala sya at nakita nya ang mahiwagang bulate bilang isang hotdog.
“Uy tangina yung hotdog naglalakad oh”
Dali-dali nyang dinampot ang bulate at isinubo ito ng buo. Huli na ng na-realize ito ni Mark na hindi pala hotdog ang kanyang kinain kundi bulate. Pero dahil sanay na rin ang katawan nya sa exotic food, hindi na rin niya ito ininda.
“Bwisit! Bulate pala yun! Sana makauwi na ko sa bahay at kumain ng masarap na dinuguan!”
Sa mga sandaling yun, biglang nagbago ang mga kapaligiran ni Mark. Sa kanyang paningin, unti-unting lumalaki ang mga bagay-bagay pero sa bilis ng pangyayari, saka nya na narealize na wala na siyang makita at hindi na sya makapagsalita. Naging maliit na bulate si Mark!
Nagtataka rin ako bakit hindi na lang lumabas yung dinuguan nung kinain nya yung bulate pero ang sabi sa mga kuro-kuro e nung kinakain daw sya ni Mark, nagalit itong bulate at imbis na tuparin ang pangarap ni Mark e isinumpa syang maging katulad nito, pero dugo lang ang kinakain (dahil nangarap nga siya ng dinuguan). Ang sabi pa sa alamat ay kaya daw dikit ng dikit ang mga limatik e dahil sa huling habilin ni Mark na gusto nya nang umuwi ng bahay kaya dumidikit sya sa mga taong madadaan sa bundok Makiling sa pag-asang makauwi din siya ng bahay.
Kung bakit siya tinawag na limatik, abangan ang Part 2!
Kaya next time wag kayong matakot sa limatik. Isipin nyo na lang sya si Mark na minsa’y nangarap na umuwi ng bahay at kumain ng masarap na dinuguan.
Salamat sa paguubos ng 10 minuto ng iyong buhay sa walang kakwenta-kwentang bagay tulad ng nabasa nyo. Anyway, BER season na kaya simula na ito ng puspusang training para sa G2!
Simulan natin sa isang klasik na trail na pinuputakte ng daan-daang limatik! Sa mga hindi nakakaalam, ang mga limatik ay mga maliliit na bulateng parasite na makikita sa mga rainforest tulad ng Mt. Makiling. Mahilig itong dumikit sa mga living organisms para sumipsip ng dugo para mabuhay, parasite nga, parang yung "friend" mong friend ka lang kung may kailangan siya. Wala naman itong dinadalang sakit, sa halip, ginagamit itong medisina sa ibang bansa para mahigop ang infected na sugat.
Mag de-dayhike lang tayo pero traverse ito mula Sto. Tomas, Batangas labas ng Los Baños, Laguna. May private van din tayo para puedeng mag iwan ng mga pamalit na damit sa sasakyan.
Hindi ko ito marerecommend sa mga newbies saka bawal ang maaarte dito kasi talagang puputaktehin tayo ng mga limatik gawa ng rainy season. Yung ibang detalyo puede nyong i-pm si Darenn or text nyo sa +639558649667
Event fee 900
Inclusions:
Van round trip
Guide
Registration fees
Driver's meals
To confirm slot, please deposit P500 to
BPI
Darenn Rodriguez
4169 2593 51
Itinerary from Pinoymountaineer
0330 Assembly at Centris Station
0530 ETA jump off, final preps
0600 Registration at Sitio Jordan; secure guides
0630 Start trek
0930 Trail Junction (Station 7)
1100 ETA Melkas Ridge (Haring Bato)
1130 Lunch at Peak 3 (1020 MASL)
1200 Continue trekking
1330 ETA Peak 2 (1090 MASL)
1400 Start descent
1630 ETA Nursery
1730 ETA College of Forestry; find wash up, wash up
1800 Dinner
1900 ETD to Manila
2100 ETA Manila
Since mahigpit ang pagpapaakyat doon (minsan andun ka na hindi ka pa papayagan), iseset ko ang back up mountain nito sa Mt. Manabu-Mt. Malipunyo
What to bring:
Anti limatik (optional, google mo sobrang dami)
Pack lunch
Extra clothes
Trail water (at least 2L)
Trail snacks (gummy worms etc.)
Extra cash
Camera
Powerbank
- Itinerary
- Inclusions
- Exclusions
See event description
See event description